October 30, 2009

Banal na Sandali UNDAS RAP EDITION




Banal na Sandali - UNDAS SPECIAL rap edition

DOWNLOAD HERE!

*chorus**

ngayong gabi ng lagim
mundoy balot ng dilim
itirik na ang kandila
wag ka nang magpapakita
pag hinabol ka ng aso
bilisan mo ng takbo
wala bang tao sa inyo?
mag inom na lang tayo

*chorus**

puno ng dahas ang madilim na landas
kung marami kang alahas, mag ingat sa labas
kung may baon kang cash, umiwas sa laslas
kung may tulo ang bubong, malamang may tagas

madalas ka bang takot
bumabaluktot
madalas kang mangilabot
mabaho ang utot
hinahabol ka ng salot
kumikislot kislot
wag ka nang magpahilot
lalo yang kikirot

mga aso sa gabi
humahagulgol
kakaibang atungol
parang na-u-ulol
ano naman yon
akala mo sanggol
humihikbi hikbi
yun pala si gugol

nakakita ka na ba
ng multong naggagala
babaeng tumatawa
nakalutang ang paa
sa takot nabakla
kisig mo'y nawawala
dali sa karitela
ayan na si saminella!

multo mula sa tsina
mata namumula
ang bangs kakaiba
parang sa bampira
naihi ka sa kaba
e si vinzer lang pala
pinagluto ka pa nga
paabot ng kutsara

dumadagundong
nayanig ang bubong
andito na si efbee
may suot na barong
natapon ang kape
sindak ka sa lake
nung niyakap nya si rem
muntikan nang mabale

dumidilim bigla
tiklop ang mga siga
pag ginising nyo si shena
ang aswang ng valenzuela
gusto mo bang manligaw
mga torpe nalulusaw
magdala ka pa ng siopao
mundo mo ay magugunaw

sa horrospoke dinudugo
halika munat magtaho
best employee sa trabaho
etong si Janloy da berdugo
naririnig mo sya sa radyo
boses nyay nakakaloko
idol nya si renz verano
at si april boy regino

mga engkanto at maligno
magsitago na kayo
wala kayong ipapalag
sa ermitanyong si mariano
kumakain ng insekto
magaling magsirko sirko
kung naririnig mo to
happy bday sayo



*chorus**

ngayong gabi ng lagim
mundoy balot ng dilim
itirik na ang kandila
wag ka nang magpapakita
pag hinabol ka ng aso
bilisan mo ng takbo
wala bang tao sa inyo?
mag inom na lang tayo

*chorus**